ICE SEGUERRA BALAK DING MAG-TRANSMAN

NAINSEKYUR nga ba si Ice Seguerra sa lakas nang loob ng kapwa niya singer at transgender na si Jake Zyrus nang lumabas itong topless sa publiko, na tila naghuhumiyaw sa pagsasabing, ‘look at me people, I’m a man now’.  Keber ni Jake kung anuman ang sabihin ng tao sa kanya. Ang importante ay masaya siya.

May basher ding nakisawsaw at sinabing kinabog ni Jake si Ice. Pihado raw nan ai-insecure si Ice sa kamachohan ngayon ni Jake.

Pinabulaanan naman ito Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Dino-Seguerra, dahil contrary sa mga comments, super happy raw ang kanyang love sa ginawang paglantad ni Jake. Isa raw itong inspirasyon sa lahat ng kanilang kafederasyon na walang takot na ipakita sa publiko ang kanilang tunay na kasarian.

Okey din kaya kay Usec Liza at kay Ice na mag-transman si Ice tulad ni Jake. Matagal na raw nila itong pinag-usapan bago pa nag-post si Jake. All out support si Usec Liza kung anuman ang gusto ni Ice. Katunayan, sabay pa silang naghanap ng mga espeyalista para dito.

BELA PADILLA BALIK-PINAS PARA SA ‘366’

Kumportable nang namumuhay mag-isa ngayon sa London ang aktres na si Bela Padilla pero hindi niya iniwan ang showbiz. In fact, sinisimulan na ngayon ang shooting ng kanyang first directorial job na “366”, kung saan ay si Bela ang bida kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Streaming na ito simula sa April 22 sa Vivamax, at magbabalik-Pinas si Bela para tumulong sa promotion nito.

But wait theres more. Magtatagal raw si Bela sa Pinas dahil itutuloy na rin niya ang pagsho-shooting ng isa pang pelikulang nabitin dahil sa pandemya, ang “Spellbound” na pagsasamahan naman nila ni Marco Gumabao.

Sa virtual presscon ng “355” sinabi ni Bela na okay naman ang pamumuhay niya sa London at nae-enjoy niya dito. Medyo hindi kumportable dahil nag-iisa siya pero kayang kaya raw niya.

CLOE BARRETTO GUSTONG MAMAYAGPAG

KUNG ang ibang sexy sirens ng Vivamax ay sunod-sunod ang mga sexy movies na ginagawa, itong si Cloe Barreto, pagkatapos ng ‘Silab’ niya last year ay saglit na ‘namahinga.’ Pero laking gulat na lang ng kanyang mga followers nang biglang nasa limelight na naman siya para sa Vivamax’ new TV series, “L”, a trilogy of different stories with three different directors. She appears in the episode titled “Liko”, directed by EJ Salcedo.

Pinagbawalan daw si Cloe na mag-artista ng kanyang mga magulang kung sexy din lang naman. Itinanggi naman ito ng sexy star. Ani Cloe, noong nagsimula siya sa showbiz bilang dancer ng isang all female group, binigyan na siya ng basbas ng kanyang mga magulang. At tumuntong siya sa tamang edad at nagpasyang magpasexy ay may blessings din siya sa mga ito.

Matapos magpahinga ng ilang buwan ay sasabak na uli si Cloe sa mga sexy projects na labis na ikinasiya ng kanyang mga followers.

Sa ‘Liko,’ ginampanan ni Cloe ang role ng isang bored and lonely housewife kung saan isang gabi ay napagkamalan siyang pick up girl ni Vince Rillon, kaya nagkaroon sila ng maalab na love scene.