Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, base sa findings ng iba’t ibang international agencies, ang Pilipinas ay naging paboritong lugar ng mga abuser, kung saan ang mga insidente ng online exploitation ay iniulat sa buong rehiyon.
“We are declaring a war on this… We will not hesitate to prosecute anybody who [contributes] directly or indirectly in this nature,” wika ni Remulla sa isang briefing sa Palasyo.
Sinusugan ito ni 24 at sinabing seryoso ang pamahalaan na tuldukan ito.
“This administration is keen and very serious in stopping this… We are declaring war in this and this is the time now,” ani Tulfo.
Sa 7-taong pag-aaral ng UK-based International Justice Mission (IJM) ay lumitaw na ang Pilipinas ay naging “world’s largest known source of online child sexual exploitation”, kung saan ang endemic poverty ay nakatulong sa pagdami ng pag-abuso.
Ayon sa pag-aaral, ang mga magulang at kaanak ang responsable sa halos lahat ng mga kaso ng pag-abuso.
Sinabi naman ni United Nations (UN) envoy member Nikki Teodoro na ang access sa teknolohiya at ang pandemic lockdowns ang nag-udyok sa pagtaas ng kaso ng sexual exploitation sa mga bata.
“Marketing their children online for profit: the fact that [is] it is easy to put up a site. It is technology that made it easier for these perpetrators to market their children, our children, and it has gotten easier and it has gotten more lucrative,” aniya.
“It is so lucrative, it is a billion-dollar industry. Bilyon-bilyon ang makukuha nila. But once you get caught and charged, you get charged internationally,” dagdag pa niya.
Sa datos na ibinahagi ni Interior Secretary Benhur Abalos, mula 2017 hanggang Hulyo ngayong taon, ang mga awtoridad ay nakapagsagawa ng 227 operasyon laban sa online sexual abuse sa mga bata, na nagresulta sa pagsasampa ng 198 kaso.
Animnapu’t pitong katao ang na-convict sa krimen, habang 41 kaso pa ang iniimbestigahan.