(Idineklarang beads) P858-K ECSTACY NASAMSAM

UMAABOT P858,500.00 halaga ng ecstasy ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nasakote sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at BOC-Port of Clark sa Parañaque City ang claimant ng smuggled party drugs .

Sa ibinahaging ulat ni BOC Commissioner Felimon Yogi Ruiz, nagmula ang iligal na droga sa bansa nitong Setyembre 30 na nakalagay sa tatlong plastic jars at nagmula sa Hoofddorp sa The Netherlands na idineklara ng mga beads.

Dahil kadududa ang package, agad itong sinailalim sa field testing at nag positibo sa presensiya ng “Mixture of MDMA (Ecstasy) Cotton,” isang controlled substance Amphetamine na may kabuuang 505 tabletas.

Ipinasya ng BOC na kumuha at magsumite ng samples sa PDEA para sa chemical laboratory analysis na nagkumpirma na Methylenedioxymethamphetamine or ecstasy ito na isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 ang pakete.

Agad na naglabas ng warrant of Seizure and Detention si District Collector Alexandra Lumontad for violation of Sections 118 (g), 119 (d), and 1113 par. f, i & l (3 & 4) of R.A. No. 10863 in relation to Section 4 of R.A. No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
VERLIN RUIZ