(Ieendorso ng agri chief kay BBM) 10-YEAR PLAN, FOOD SUFFICIENCY PROGRAMS

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na masimulan ang transition talks sa susunod na administrasyon para matiyak ang implementasyon ng panukalang 10-year plan at food sufficiency programs ng ahensiya.

Si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang nangunguna sa partial unofficial tally ng presidential race.

Sa isang webinar na inorganisa ng Economic Journalist Association of the Philippines (EJAP), sinabi ni DA Secretary William Dar na ieendorso niya kay Marcos ang P2.5 trillion National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan (NAFMIP) upang makatulong sa pagpapalakas ng  farm productivity.

Ang NAFMIP ay may P250 billion budget kada taon sa loob ng 10 taon para sa kabuuang P2.5 trillion.

“We have details of the P250 billion budget for next year, anchored on the NAFMIP, the 10-year strategy plan of the Department of Agriculture. We are readying, meron na kaming transition document na anytime now, siguro, wag ngayong week na ito, but within the next 2 weeks ay we will seek audience to the transition camp of President-elect Bong-bong Marcos,” sabi ni Dar.