MATAPOS na magpahayag ng suporta ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang proteksiyon sa mga konsyumer na tumatangkilik sa digitalization ng mga serbisyong may kinalaman sa pananalapi sa bansa.
“Dapat patuloy na maging maagap ang gobyerno sa pagkakaroon ng mga sapat na hakbang na magbibigay proteksiyon sa ating mga konsyumer,” sabi ni Gatchalian.
Pinasalamatan ni Gatchalian ang BSP sa suportang ibinibigay nito sa kanyang Senate Bill No. 2287 o ang panukalang Financial Products and Services Consumer Protection Act lalo na’t binigyang-diin nito ang kahalagahan ng batas na magsisiguro sa interes ng mga financial consumer.
Ayon sa vice chairperson ng Senate Economic Affairs Committee, dumadami ang bilang ng mga tumatangkilik sa financial services at mga makabagong pamamaraan ng serbisyong may kinalaman sa pananalapi simula noong isang taon o mula nang pumutok ang pandemya.
Sa paglago ng mga ganitong serbisyo at produkto, sinabi ni Gatchalian na marami ang naglipanang gumagamit ng makabagong pamamaraan para maka-panloko o makakuha ng mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-hack sa online accounts at madaling nabibiktima ang mga taong gipit lalo na sa ganitong panahon.
“Kailangan nating makipagsabayan o kung maaari pa nga ay mas nauuna pa sa kaalaman na ginagamit ng mga hacker o mga kawatan na nagiging mas mapangahas,” paliwanag ni Gatchalian, na vice chairperson din ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.
“Para maisakatuparan ito, kailangang palakasin natin at dagdagan ang kapangyarihan ng mga ahensiya ng gobyerno at linawin ang papel ng mga dapat magbibigay proteksyon sa mga financial consumer at magkaroon ng sapat na mekanismo na magiging sandalan ng mga financial consumer sakaling mabiktima sila ng mga panloloko,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng SB 2287, mapapalawak ang kapangyarihan ng BSP at iba pang financial regulators tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC), Insurance Commission (IC), at Cooperative Development Authority (CDA) para magsagawa ng mga kaukulang hakbang na layong paigtingin ang proteksiyon ng publiko sa pamamagitan ng market conduct surveillance and examination, market monitoring, enforcement, provision of complaints handling mechanism, adjudication at paggawa ng mga nararapat na panuntunan, paliwanag ni Gatchalian.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang “manual on consumer protection” ang BSP ngunit hindi ito sapat, ayon kay Gatchalian, lalo na’t ang mga panuntunang nito ay sakop lamang ang mga financial institution na nasa ilalim ng pangangasiwa ng BSP at hindi saklaw ang iba pang financial regulators o mga institusyon na nagbibigay rin ng serbisyong may kinalaman sa pananalapi. VICKY CERVALES
410455 963925I saw two other comparable posts although yours was the most beneficial so a good deal 259634
206711 132230Really usefull weblog. i will follow this weblog. keep up the great function. 798817
300819 186669Just a smiling visitant here to share the love (:, btw outstanding pattern . 449301