IKA-134TH MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA TALAVERA, NUEVA ECIJA

bong go

NANGAKO si Senador Christopher ‘Bong’ Go na tuloy-tuloy ang gagawin niyang pagsusulong sa mas accessible na healthcare para sa mga Pinoy habang tinutulungan ang pamahalaan na mapaghusay pa ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ngayong nahaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan.

Ang pangako ay ginawa ni Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, nang pangunahan niya kamakailan ang virtual launch ng ika- 134th Malasakit Center ng bansa, na matatag­puan sa Talavera Gene­ral Hospital sa Talavera, Nueva Ecija.

Ito na ang ika-12 Malasakit Center sa Central Luzon at ikatlo naman sa Nueva Ecija, bilang karagdagan sa mga center na matatag­puan sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, na kapwa nasa Cabanatuan City, at magkasunod na binuksan noong 2019 at 2020.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Go na ang kanyang mga nakitang paghihirap ng mga ‘underprivileged patients’ sa Davao City noong alkalde pa lamang si Pang. Rodrigo Duterte ang siyang nagtulak sa kanya upang gumawa ng mga batas na makatutulong upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga mahihirap na pasyente.

“Nung mayor pa si Pang. Duterte, marami po ang lumalapit sa kanya sa (Davao) city hall na nanggagaling pa as far as General Santos, Zamboanga, o Surigao para humingi ng tulong sa kanilang pampa-ospital. Sabi ng Commission on Audit, hindi daw pwede gamitin ang pera ng Davao City dahil hindi sila residente,” ani Go.

“Kaya doon ko naki­ta ‘yung puso ni Pangulong Duterte sa mga mahihirap. Dahil hindi n’ya po matiis na tanggihan itong mga pasyenteng ito, dahil para sa kanya, Pilipino rin po ang mga ito… sabi niya — hanapan mo ng paraan ‘yan. Hindi na ako uupo dito sa City Hall kung hindi ko sila matulungan. Doon ho nag-umpisa ‘yung konseptong Malasakit Center,” dagdag pa niya.

“Sabi ko, bakit ba natin pinapahirapan ang mga kababayaan natin? Hirap na nga sila at may sakit, pinapahirapan pa. Sa totoo lang, pera naman ng lahat ‘yan. Dapat ibalik ng gobyerno ito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng maa­yos, maaasahan at mabilis na serbisyo,” patuloy pa niya.

Upang matugunan naman ang problema, pag-upo ni Go sa Senado ay kaagad niyang iniakda at inisponsoran ang panukala na na­ging Republic Act No. 11463, o The Malasakit Centers Act of 2019, na naglalayong maging mas accessible ang medical assistance programs ng pamahalaan sa mga pasyente, dahil inilagay na lamang sa iisang bubong ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Hindi niyo na kailangan pumila o umikot pa sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong pampagamot. Nasa isang kwarto sa loob ng ospital na po. Lapitan niyo lang, inyo po iyan. Ang Malasakit Center ay para sa mga poor at indigent patients,” ani Go.

Nakiusap pa siya sa management ng mga pagamutan na, “Pakiusap sa hospital management… huwag niyo pababayaan ang mga mahihirap nating kababayan, lalo ‘yung mga helpless, hopeless at walang matakbuhan… Lubusin niyo ang pera ng gobyerno para sa mga mahihirap. At kung may maitutulong ako sa inyong ospital, magsabi lang kayo.”

Samantala, pinaalalahanan rin naman ni Go ang mga eligible residents na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa coronavirus.

6 thoughts on “IKA-134TH MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA TALAVERA, NUEVA ECIJA”

  1. 92251 680332Up to now, you need to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus have a look at the new destination. From the long run, which finish up with are couple of issues except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 844127

  2. 508748 40073Safest messages, or a toasts. are usually launched at one point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as properly. very best man jokes 592652

Comments are closed.