ISANG panalo na lamang ang kailangan ni Filipino boxer Nesthy Petecio para bigyan ng isa pang gold medal ang bansa sa Tokyo Olympics.
Makakasagupa ni Petecio sa gold medal round ang isang pamilyar na mukha — si Japanese Sena Irie.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary General Ed Picson na kailangang ibuhos ni Petecio ang kanyang lakas para talunin ang hometown bet.
“She’s (Irie) very sneaky, she’s got some tricks up her sleeve and Nesthy has to be at her best to be able to hurdle this final challenge,” wika ni Picson.
Ito ang ika-4 na pagkakataon na maghaharap ang dalawang boksingero sa international stage. Una silang nagsalpukan noong 2019 sa ASBC Asian Confederation Boxing Championships kung saan naitala ni Irie ang split decision win.
Nakaganti si Petecio kasunod ng majority decision victory sa World Women’s Boxing Championships sa parehong taon. Rumesbak naman si Irie sa Olympic qualifiers via unanimous decision noong nakaraang taon.
Gayunman, naniniwala si Picson na ang huling pagkatalo ni Petecio kay Irie ay malaking motivator para sa Pinay boxer na nagtatangkang maging unang Asian woman na nanalo ng gold sa Olympics.
“This time I think Nesthy is all 100% focused on the job at hand. She knows that she is coming of a loss against Irie,” anang ABAP official.
Nakatakda ang bakbakan nina Petecio at Irie sa women’s featherweight final ngayong Martes. August 3, alas-12:05 ng tanghall (Manila time).
Sa alas-10:15 ng umaga (Manila time) ay maghaharap naman sina Carlo Paalam at Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa men’s flyweight quarterfinals.
“This means a lot to me, it’s my dream and this as importantly my father’s dream,” pagbabahagi ni Petecio.
Si Petecio ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Santa Cruz, Davao del Sur.
“A victory will not only be for me but for my family, and to Filipinos who pray for me,” ani Petecio.
“I’ll go for the gold with everything I’ve got, and I know that if I follow my coaches, I won’t go wrong,” sabi pa niya, patungkol kay Nolito ‘Boy’ Velasco, gayundin kina Australian Consultant Don Abnett, Ronald Chavez, Reynaldo Galido and Elmer Pamisa.
“If we boxers are working hard, the more our coaches are working hard.” CLYDE MARIANO
607880 714774Wow, great weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear simple. The overall look of your internet internet site is wonderful, let alone the content! 298175