IKA-2 PANALO SA SEMIS TARGET NG NATIONALS, SEA LIONS

Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
2:30 p.m. – NU-Sta. Elena vs Navy
5:30 p.m. – VNS vs Cignal

MAGSASALPUKAN ang NU-Sta. Elena at PGJC-Navy ngayon kung saan ang magwawagi ay lalapit sa Spikers’ Turf Open Conference championship.

Galing sa semifinals opening victories, ang Nationals at Sea Lions ay maghaharap para sa ikalawang panalo sa alas-2:30 ng hapon sa Paco Arena.

Samantala, magsasagupa ang Cignal at VNS collide sa alas-5:30 ng hapon, kung saan sisikapin ng dalawang koponan na mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa na makapasok sa finals.

Inaasahan ang mainit na bakbakan ng dalawang koponan matapos na dumaan ang NU-Sta. Elena sa butas ng karayom bago ginapi ang PGJC-Navy, 17-25, 24-26, 25-19, 26-24, 18-16, noong nakaraang September 6.

Humabol ang Nationals mula sa two-set deficit upang pataubin ang HD Spikers, 20-25, 22-25, 25-23, 25-21, 15-10, sa isang mainit na showdown noong Huwebes.

Namayani ang Sea Lions kontra Griffins, 25-23, 25-22, 25-22, ngunit naging dikit ang laban sa bawat set.

Batid ni coach Dante Alinsunurin ang kakayahan ng Navy na makaresbak sa NU-Sta. Elena.

“Basta ang importante, paghandaan namin sila,” sabi ni Alinsunurin.