JAKARTA – Maging ang recurring tendinitis at battered right knee ay hindi nakapigil kay wushu artist Agatha Chrystenzen Wong para ipagkaloob sa Filipinas ang ikatlong bronze medal nito makaraang pumangatlo sa women’s taijijian at taijiquan all-around competition sa 2018 Asian Games kahapon sa Jakarta International Expo.
Ang 20-anyos na De La Salle-College of St. Benilde student, na pangalawang sumalang sa 16 entries sa finals ng combined event, ay nagtapos na panlima na may iskor na 9.68 points sa taijiquan na idinaos noong Linggo bago nagtapos sa ikatlong puwesto na may 9.68 sa taijijian kahapon para sa total score na 19.36, sapat para angkinin ang bronze at kunin ang kanyang kauna-unahang medalya sa maiden Asian stint.
Kinuha ni Lindwell Lindwell ng Indonesia ang gold medal sa total score na 19.50 points, habang napunta ang silver kay Juanita Uen Ying Mok ng Hong Kong na may total na 19.42 points.
“I was so nervous because I placed fifth in the first discipline. I had to make sure of an impressive per-formance in the second discipline so I can have a chance,” wika ni Wong, na naging impresibo ang pagsabak sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia nang mahablot ang gold sa taijiquan event at silver sa taijijian event.
Ginamit lahat ni Wong ang kanyang nalalaman at karanasan subalit bigong masungkit ang mailap na ginto at nagkasya na lamang sa tanso.
“I played really hard and utilized all my swimming experience. My effort, however, was not enough to win the gold. I’m satisfied because I won the bronze,” ani Wong.
Ang bronze medal ay ikatlo na para sa Philippine team dito makaraang magwagi ng dalawa ang men’s at women’s poomsae taekwondo teams kamakalawa.
Samantala, binokya ng Blu Girls, na pinalakas ng anim na Fil-Am players, ang Hong Kong, 8-0, sa Gelora Bong Karno softball field.
“This is a very important win for us,” wika ni Philippine coach Fernando Dizer. “Nakatapak na ang isang paa namin sa next round.”
Ang Blu Girls ay may nalalabi pang apat na laro sa round-robin eliminations laban sa China, Japan, Indonesia at Taipei.
Kinapos naman si Hagen Topacio upang magtapos lamang sa sixth overall sa trap event ng shooting championships sa Jakabaring Sports City range dito.
Nagmintis si Topacio, na nagtapos na tabla sa fifth place kay Chinese-Taipei’s Yang Kungpi sa eliminations na may 118 points, sa tatlo sa kanyang unang limang tira sa medal round at unang nasibak sa six-man finals na may 18 points mula sa 25 targets. CLYDE MARIANO
Comments are closed.