IKA-38 ANIBERSARYO NG EDSA MAPAYAPA

WALANG untoward incident, matagumpay at mapayapang inalala ng Pilipino ang 38th Edsa Revolution.

Habang generally peaceful din ang prayer rally sa Cebu na pinuntahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sabay ikinasa nitong Linggo.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa ginanap na regular Monday press conference sa Camp Crame.

Sinabi ni Acorda na nag-deploy silang ng mga pulis upang matiyak ang seguridad ng mga dumalo at dumaraan sa Edsa.

Hindi naman sinabi ni Acorda kung ilan ang dumalo sa nasabing okasyon habang sa Cebu Prayer rally ay nasa 5,000 na mas mababata sa unang pagtaya na 40,000.

Ibinida ng PNP chief na hindi naapektuhan ang trapiko sa Metro Manila at kanyang pinasalamatan ang National Capital Region Police Office sa pamumuno ni Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil naging mapayapa ang nasabing okasyon.

“So far, we deployed accordingly and we thanked the NCRPO personnel under the leadership of Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na naging peaceful naman yung conduct ng rally, no untoward incident. Yung traffic hindi naapektuhan and with that I congratulate the men and women of NCRPO and of course with the supervision of our TCDS and DO,” anang PNP Chief.
EUNICE CELARIO