APAT na medalya na ang maiuuwi ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.
Ito ay makaraang gulantangin ni Filipino boxer Carlo Paalam si Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals ng men’s flyweight division ng boxing event ng Tokyo Olympics Martes sa Kokugikan Arena.
Sa panalo ay umabante si Paalam sa semifinals upang makasiguro sa bronze medal.
Si Zoirov ay gold medalist sa flyweight division kapwa sa 2016 Rio Olympics at sa 2019 AIBA World Championships.
Subalit hindi ito alintana ni Paalam kung saan tinalo niya ang boxing champion makaraang itigil ang laban sa 1:40 mark ng second round nang magkaumpugan ang dalawang boksingero.
Apat na judges ang pumabor kay Paalam sa scorecards habang ang isa ay draw.
Susunod na makakasagupa ni Paalam si home bet Ryomei Tanaka ng Japan.
Sa panalo ni Paalam ay nahigitan na ng Team Philippines ang performance nito sa 1932 Los Angeles Games kung saan tatlong Pinoy athletes ang nag-uwi ng medalya.
Bukod sa 23-anyos na si Paalam, ang iba pang medalists ay sina weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz at boxers Eumir Marcial at Nesthy Petecio.
563674 891067We guarantee authentic brands avoiding inferior commercial imitations, or even dangerous counterfeits. 416220
44895 871890This write-up is dedicated to all those that know what is billiard table; to all those that do not know what is pool table; to all those that want to know what is billiards; 253229