Standings W L
UP 6 0
NU 5 1
DLSU 3 3
AdU 3 3
Ateneo 3 3
UE 2 4
FEU 2 4
UST 0 6
Mga laro ngayon:
(UST Quadricentennial Pavilion)
12 noon – NU vs AdU (Men)
4 p.m. – DLSU vs UE (Men)
TARGET ng National University, nakasisiguro na sa No. 2 ranking sa pagtatapos ng first-round, ang ika-4 sunod na panalo sa pagsagupa sa Adamson sa UAAP men’s basketball tournament ngayong Sabado sa UST Quadricentennial Pavilion. Impresibo ang Bulldogs ngayong season na may 5-1 record.
Ang nag-iisang talo ng NU ay kontra University of the Philippines, na puntirya ang first-round sweep laban sa Ateneo bukas.
“We’re one of the contenders kahit wala kami sa radar noong summer. Tahimik lang kami. Hindi naman usapan ‘yung summer e. Ang usapan ‘yung season e. Alam ko confident ako sa mga ito, alam nila yung gusto naming mangayari,” sabi ni Bulldogs head coach Jeff Napa.
“May mga pangarap din naman ang mga ito e.”
Gayunman ay nag-iingat ang Bulldogs sa pagresbak ng Falcons sa 12 noon clash.
Ang Adamson ay galing sa 46-49 loss sa Far Eastern University noong Miyerkoles.
Umaasa ang La Salle at University of the East, galing din sa talo noong Miyerkoles. na matikas na tapusin ang first-round sa alas-4 ng hapon. Ang Green Archers, nalasap ang 64-67 decision sa Fighting Maroons, ay nakaipit sa three-way tie sa third place kasama ang Falcons at Blue Eagles sa 3-3.
Hindi nalalayo ang Red Warriors, na kasalo ang Tamaraws sa 2-4 sa sixth spot.
Gayunman, natalo ang UE ng tatlong sunod at maglalaro na wala si Gjerard Wilson sa kabuuan ng Season 86 makaraang magtamo ng dis- located shoulder injury.