IKA-6 NA JUSTICE ZONE BINUKSAN

Nelson Legacion

PORMAL nang binuksan ang ika-anim na City Justice Zone na nasa Naga City.

Kabilang sa mga dumalo para pasinayaan ang nasabing City Justice Zone ay sina Chief Justice Lucas Bersamin, Thomas Wiersing ng Charge de affairs ng European Union to The Philippines, Justice Secretary Menardo Guevarra, at Interior and Local Secretary Eduar­do M. Año.

Ayon kay Naga City Mayor Nelson Legacion, ang justice zone sa Naga ang pinakaunang tanggapan nito sa Bicol.

Aniya, layunin nito na magbigay ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng mga local justice sector at administrasyon sa rehiyon.

Sa nasabing pag­titipon ay nagkaroon ng photo session, ribbon cutting at signing of wall commitment ang mga guest of honor.

Comments are closed.