IKA-67 SANGAY NG PCSO BINUKSAN SA AGUSAN DEL SUR

PCSO-3

BINUKSAN ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang ika-67 sangay sa Agusan del Sur kamakailan upang mapalapit sa kanilang parokyano.

“Napakalayong lugar ito kaya nga dapat magkaroon ng isang branch doon para mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan lalong-lalo na sa IMAP (Individual Medical Assistance Program) natin na nanghihingi ng pang-confinement, dialysis, chemo, atbp. It’s the 18th branch in Mindanao, 67th branch nationwide,” anunsiyo ni PCSO General Mana­ger Alexander Balutan.

Ang nasabing bayan ay nasa Caraga region  at 75 porsiyento ng labor force, ay sangkot sa agriculture and forestry. Bigas, mais at iba pang prutas ang pangunahing agricultural crops.

Umaasa ang PCSO na papatok sa lugar ang bagong sangay dahil itinuturing na pinakamaraming tao sa Agusan del Sur sa Cara-ga region.

“Doon sa lugar na ‘yun, nag-a-average sila ng 50 patients per day. Kaya tuwang-tuwa sila nung nabi-gyan natin sila ng pondo. Initially, P50,000 a day. Napakalayong lugar! Medyo alanganin pa ‘yung mga lugar na dadaanan. One hour and a half drive from Butuan City and five-hour drive to Cagayan de Oro,” ayon kay Balutan.  EC

Comments are closed.