IKATLONG PLUNDER VS NOY

ISINAMPA sa Office of the Ombudsman ang ikatlong kasong plunder laban kay dating Pangulong Benigno Simon C. Aquino III kaugnay sa immunization program ng anti-dengue vaccine na  Dengvaxia.

Bukod kay Aquino, may  21 iba pa na kinasuhan ng plunder at malversation of public funds at paglabag sa Section 3(e) of Republic Act No. 3019, o ang “Anti-Graft and Cor-rupt Practices Act”.

Isinampa ang 48 pahinang reklamo nina  Atty. Ferdinand S. Topacio at Diego L. Magpantay, presidente ng Citizens Crime Watch (CCW), para sa  plunder na  “non-bailable” offense.

Kabilang sa mga ini­reklamo ay sina dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa, Philip-pine Children’s Medical Center director Dr. Julius Lecciones, dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, at 17 iba pang dating DOH officials.

Sa pahayag na ibinahagi sa media nina Atty. Topacio at Magpantay, lubha umanong minadali ang pagpapatupad ng anti-dengue program para may magamit na pondo sa eleksyon.

Sistematiko rin anila ang naging sabwatan ng mga opisina sa ilalim ng executive de-partment para makuha ang deal sa kompanyang Sanofi.

Bitbit ang napakara­ming dokumento  na nakalap mula sa hearing ng Senado na si-nasabing magsisilbing ebidensiya, nagtungo sina  Topacio sa Ombudsman para  ma-ghain ng kaso.

Bukod dito ay pinag -aaralan pa rin ang paghahain ng kasong kriminal hinggil sa umano’y masamang epekto ng nasabing anti-dengue vaccine sa  mga recipient kung saan inuugnay ang pagkamatay ng halos 100 bata.

Ito na ang ikatlong plunder case laban kay Aquino.

Matatandaan ang u­nang plunder case ay isinampa ni dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Augusto “Buboy” Syjuco, ang pangalawang plunder case ay inihain naman ng Gabriela partylist.      JOEL AMONGO

MGA KASO PA

Panibago namang  rek­lamong kriminal ang inihain sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ng mga magulang ng tatlong batang naturukan ng bakuna at namatay nito lamang Enero.

Ang panibagong batch ng reklamo, na inihain kahapon, ay ang pampito, pang-walo at pang-siyam na complainants.

Kasama sa mga nag­hain ng reklamo si Jeffrey Alimagno, ama ni Rei Jazztine Ali-magno, 13 taong gulang, na namatay noong January 3, 2018; Zander Jaime na tatay ni Alexzander Jaime na pumanaw noong Enero 4 at Analyn Eboña, nanay ni Marc Axl Eboña na binawian naman ng buhay noong Enero 13.

Reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745 ang kanilang inihain laban sa mga nagsulong, nag-apruba at nagpatupad ng pro-gramang mass immunization laban sa dengue.

Kasama ng mga magulang na naghain ng reklamo si Public Attorneys’ Office Chief Persida Acosta na tumatayo nilang abogado sa kaso.

Kasama sa kanilang inirereklamo sina dating Health Secretary Janet Garin, kasalu-kuyang Health Secretary Francisco Duque III, mga dati at kasaluku­yang opisyal ng DOH, pati na ang mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation at Sanofi Pasteur.

Ayon sa PAO, ang mga namatay ay dumanas ng multiple organ failure at brain hemor-rhage. ANA ROSARIO HERNANDEZ

 

 

Comments are closed.