INIHAHANDA na ng Department of Migrant Worlers ( DMW) ang repatriation ng mga Pilipino sa Sri Lanka.
Ayon kay DMW Sec. Susan Ople, may 700 Pinoy pa ang nananatili sa nasabing bansa
Ang Sri Lanka ay kasalukuyang dumaranas ng krisis sa suplay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ito’y dahil nahihirapan ang naturang bansa na makapag-import ng petrolyo, pagkain at gamot dahil sa malalang foreign exchange shortage.
Kaugnay nito, inanunsiyo ni Sec. Ople na nakatakda nilang ilunsad sa susunod na linggo ang one-repatriation command center.
Hinihikayat ni Ople ang mga kamag-anak ng mga OFW dito sa Pilipinas na lumapit sa kanila sakaling nais nilang makauwi na sa bansa ang kanilang kapamilya.
LIZA SORIANO