INIHAYAG ni Speaker Alan Peter Cayetano ang nakatakdang pagkakaloob ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng tulong para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), gayundin sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Sa kanyang FB live kahapon, sinabi ng lider ng Kamara de Representantes na pagkatapos ng implementasyon ng Social Amelioration Program, kung saan ang target ay mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang nasa 18 milyong pamilyang Filipino, ang nasa MSMEs sector at SSS members naman anf susunod na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan.
“Itong susunod na stimulus, nagkaroon kami ng zoom meeting with Sen. Bong Go, Executive Secretary (Salvador Medialdea), Sec. Avisado and Sec. Sonny (Dominguez), they’re preparing quite a big amount then dalawa ang target, micro-small-medium enterprise at saka ‘yung mga nasa SSS na diretso sa kanila,” wika ni Cayetano
Ayon sa Speaker, ngayong araw ay magsasagawa ang Kamara ng ‘modified hearing’ sa kanilang economic stimulus cluster sa pamamagitan ng Zoom o telecommuting, para matalakay ang iba’t ibang panukala na naglalayong mapatatag at matulungan ang iba’t ibang sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
“We will get to the point that lahat ng kailangan ng tulong ay matulungan but it’s also not true… kulang talaga ang tulong pero it’s not true na walang tulong po ang middle class. Agad sinabi ng Pangulo ‘di ba ‘yung extension ng bills, filing ng taxes, no penalties sa mga ibang utang, no eviction, etc,” ani Cayetano.
Nanawagan din si Cayetano sa lahat ng pang-unawa at mahigpit na pakikiisa sa mga alituntunin ng gobyerno patungkol sa ipinatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“So bare with us, wala lang bibitaw, the important thing is ang enhanced community quarantine is working. So walang bibitaw, mahirap… tugunan natin ‘yung paghihirap ng tao pero wala po sanang bibitaw. Kasi kapag tayo ay lumabas ng bahay at tumaas na naman ang numero, sayang naman ‘yung tatlo o apat na linggong tiniis ninyo na rin,” sabi pa ng House Speaker.
Samantala, inihayag din ni Cayetano ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga local government official na umapela sa Department of Social Welfare Developmemt (DSWD) kaugnay ng ipinatutupad ng Social Amelio-ration Program (SAP)
Aniya, maaaring magsumite sa kanilang mayor ng listahan ang mga barangay ng mga pamilyang sa paniniwala nila ay kuwalipikado subalt hindi napabilang sa ilalim ng nasabing program.
Dagdag ni Cayetano, ang mga mayor naman ang silang magbibigay ng naturang listahan sa DSWD para magawan ng kaukulang aksiyon ng huli. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.