(Ikinasa ng DOLE ngayong araw) EMPLOYMENT, LIVELIHOOD CARAVAN

DAAN-DAANG displaced workers at unemployed sa lalawigan ng Ilocos Norte ang magkakasama-sama ngayong araw sa isang employment at livelihood caravan na isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Inaasahang dadaluhan ni DOLE Secretary Silvestre H. Bello III ang okasyon na tatampukan ng iba’t ibang programa at serbisyo na isinasagawa ng ahensiya para tulungan ang mga Ilocano na makarekober mula sa pandemya.

Ang caravan ay inaasahan ding makapagbibigay ng public awareness sa blueprint ng pamahalaan na magkaloob ng trabaho, business opportunities at livelihood sa milyon-milyong Pilipino sa buong bansa.

Sa ilalim ng blueprint,  ang mga trabaho ay magmumula sa key employment generating sectors (KEGS), tulad ng manufacturing, food processing, construction, tourism, Information Technology-Business Process Management (IT-BPM), transportation and logistics, at  retail trade.

Ayon kay Anne Marie Lizette B. Atuan, manager ng Provincial Public Employment Service Office, hindi bababa sa 300 indibidwal ang makikinabang sa employment at livelihood assistance program ng DOLE.

“These include the recently-hired additional contact tracers in the province as their salaries will be shouldered by the DOLE under the so-called ‘Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers’ or TUPAD,” aniya. PNA

3 thoughts on “(Ikinasa ng DOLE ngayong araw) EMPLOYMENT, LIVELIHOOD CARAVAN”

  1. ラブドール 他のすべての素晴らしい記事をありがとう。等身大の人形の使い方は?ご存知のように、このセクションでは、興味のあるセックスとは異なる方法でダッチワイフを使用する方法について説明します。

Comments are closed.