ILANG DH SA HONG KONG SASAMANTALAHIN ANG PASKO PARA MAKAUWI

Kowloon

KOWLOON – BUKOD sa pangambang nagpapatuloy na kilos protesta, ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang nais umuwi ngayong Kapaskuhan.

Sa ulat, may mga domestic helper ang nagpahayag ng pag-uwi na kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata dahil sa takot at lumalalang sitwasyon sa nasabing Chinese territory.

Bagaman ayaw ng mga employer na payagan ay mapipilitang pahintulutan ang pag-uwi ng mga DH upang makaiwas ang mga ito sa disgrasya.

Gayunman, ilan sa OFW ang nagnanais lamang makauwi para magbakasyon at nais ding bumalik.

Nagsimula ang sigalot sa Hong Kong noong Marso dahil sa extradition bill.

Kasunod nito, umabot na sa Estados Unidos at China ang suliranin nang patawan ng sanction ng huli ang una dahil sa umano’y panghihimasok at pagsuporta sa Pro-democracy group.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na maipahayag ang Hong Kong government kung kailan babalik sa normal ang sitwasyon doon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.