PINAG-AARALAN kung isasailalim sa 14-day lockdown ang senado matapos magpositibo sa rapid test ang ilang empleyado nito.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, bahala na ang senate secretariat na tutukan kung magla-lockdown dahil ito ang higit na nakakaalam ng sitwasyon sa mataas na kapulungan.
Samantala, ipinabatid ni Senador Panfilo Lacson na dalawa hanggang apat na empleyado ng senado ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) test kaya’t kinailangan muli nilang mag-disinfect para na rin matiyak ang proteksiyon ng mga pumapasok na mga empleyado ng senado.
Sa ngayon ay nasa skeletal force ang operasyon ng senado kung saan tig-dalawang araw ang schedule ng pasok kada linggo at work from home ang senate employees. DWIZ 882
Comments are closed.