INANUNSIYO ng Malakanyang na lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national budget na nagkakahalaga na P4.5 trilyon sa Lunes, Disyembre 28.
Unang napaulat na lalagdaan ng Pangulo ang budget sa Davao City para maging ganap nang batas subalit nabago ang plano at ito ay gaganapin na sa Palasyo ng Malakanyang.
Tiniyak ni Roque na may mga budget line items na ibe-veto ang Pangulong Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM) subalit tumangging tukuyin ang mga ito.
Ayon kay Roque, masusing pinag-aralan ni Pangulong Duterte, katuwang ang kanyang mga adviser at economic managers, ang pag-apruba at paglagda sa pambansang badyet, ganoon din sa mga ila-line up na ibe-veto.
Inaasahang dadalo sa signing ceremony ang mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.