ILANG KALSADA SA QC ISASARA DAHIL SA MAGINHAWA ARTS AND FOOD FESTIVAL

INAASAHANG bibigat ang daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa Street sa Lungsod Quezon ngayong araw ng Sabado, December 2 hanggang alas-12 ng madaling araw ng December 3 dahil sa pagsasara ng ilang kalsada  upang ipagdaos ang Maginhawa Arts and Food Festival 2023.

Nagpatupad naman ng traffic re-routing ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) simula 10:00 PM ng Biyernes, December 1, 2023 at tatagal hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Linggo, December 3, 2023.

Isasara ang bahagi ng Maginhawa St. corner Malingap St. hanggang Magiting St., isasara rin ang B Baluyot St. corner Masinsinan St. Kabilang sa ipapatupad pang traffic rerouting para sa mga dadaang motorista ay ang mga sumusunod: CP Garcia Ave. – Maginhawa St.

Para makarating ng Magingawa St. mula CP Garcia, dumaan sa Magiting St.

Maginhawa St. – Malingap St.Para naman makarating ng Malingap St. mula Maginhawa St. dumaan sa Magiting St, Matimtiman St., at Mahiyain St. hanggang Kalayaan Avenue.

Maginhawa St. – CP Garcia Avenue.

Para makarating sa CP Garcia Ave. mula Maginhawa St., kumanan sa B Baluyot St. at kumaliwa sa Masinsinan St.Two-way Traffic naman mula  CP Garcia hanggang  Maginhawa St. (via Magiting St.). Puwede rin dumaan sa Malingap St.  patungo sa  Mapagkawanggawa St. (via Matimtiman, Mahiyain St.).

Mula naman  sa Mapagkawanggawa St. ay maaring dumaan sa Matimtiman St. ( via Magiting, Mabait, Mahabagin, Maalalahanin St.). May one-way traffic naman sa B Baluyot St. patungo ng  CP Garcia ( via Masinsinan St.).

Mula Maginhawa St. ay puwede naman dumaan hanggang  Matimtiman St. ( via Magiting St.)

Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para sa pagtulong sa pag aayos ng daloy ng trapiko.

Mahigit kumulang 100 food merchants at local brands ang ibabandera ng iba’t ibang food stalls  sa naturang Arts and Food Festival mula 9 a.m. ng December 2 at magtatapos ng madaling araw sa December 3. May ilang banda rin ang magpe-perform sa naturang event kabilang ang bandang Dilaw, Bandaing Shirley, Over October, The Ridleys, mga drag  queens at iba pa. Magkakaroon din ang mga kompetisyon sa Drum and Lyre, at Christmas Carol events.

MA. LUISA GARCIA