ILANG PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT ‘DI LUMAGO ANG ONLINE BUSINESS

dok benj

TANONG: Doc Benj, ano po kaya ang dahilan kung bakit hindi lumago ang aking online business?

Sagot: Bibigyan kita ng mga ilang posibleng naging dahilan kung  bakit hindi lumago o nalugi ka pa sa iyong online business base sa 4 Ps ng Marketing:

  1. Hindi Akmang Produkto (Product)- Ang produktong dapat mong ibinebenta ay galing sa need hanggang sa want o gusto ng customers para magkaroon ng demand sa iyong produkto. Kaya dapat na maunawaan mo ang mga hinahanap o pangangailangan ng mga posibleng customers mo para magkaroon ka ng siguradong bibili ng produkto mo. Magkakaroon ka ng siguradong benta kung may demand sa produkto mo at handa mo itong mai-serve at dapat akma sa panahon ngayon. Marahil hindi ma-appreciate o ma-gusuthan ang produkto kapag sa internet lamang nila nakikita. Dapat mapaliwanag ang dahilan kung bakit sila bibili ng produkto mo.
  2. Hindi Tamang Pagpresyo (Price)- Nalulugi ang mga negosyo dahil minsan sobrang taas ang presyo at hindi makita ng buyers ang kadahilanan kung bakit sila magbabayad sa iyo ng malaking halaga at wala namang value ang product. Minsan naman ayso-brang baba ang presyo at hindi ka na pala kumikita, ang dami mong benta pero wala naman palang kita. Dapat ma-compute mo ang tamang presyo at maintindihan ng customers kung bakit ganoon ang presyo ng produkto. Sainternet, madaling maikumpara ang mga presyuhan ng mga produkto kaya dapat maipuwesto mo ang presyo ng produkto mo sa presyong hindi nanloloko kundi may kasig-uraduhan.
  3. Hindi Pinag-aralan ang Lugar (Place)- Hindi makabenta ng produkto dahil hindi tama ang produkto mo sa lugar na pinag-tayuan mo ng iyong tindahan. Mahalagang pag-aralan ang ugali, kakayanan, behaviour at kagustuhan ng mga taong nasa paligid ng iyong tindahan. Sunod, dapat ang lugar mo ay maa-access ng mga gustong bumili. Sa panahon ngayon na pandemic, ang naging lugar mo ay ang internet, kaya dapat ay mahusay ang pakikipag-usap mo sa customers sa pamamagitan ng internet at maihatid o maiparating mo sa customers ang produkto nang maayos. Kung gagamitin ng ilang applications o service providers o delivery, sig-uraduhing maayos ang mga ito. Hindi dapat madismaya ang customers dahil sa taas ng presyo ng delivery o pangit na paghatid ng produkto. Kung may lugar naman na pwedeng pick-up dapat mabilis ito dahil nai-order na sa online ang produkto para maiwasan ang exposure sa virus.
  4. Hindi Mainam na Communication (Promotion)- Maganda sana ang lugar o maayos ang online service mo, masarap at in-demand sana ang produkto mo, dekalidad at abot-kaya ang presyo, pero hindi mo naman ito naipamalita sa mga customer, magiging sayang dahil walang bibili sa iyo. Mahalaga na maipahayag mo at maipakilala nang maganda ang iyong produkto kaya kailangan mo ng promotions at mga marketing activities. Dapat malaman ng tao ang patungkol sa produkto mo para bibili sila at uulit pa sa pagbili. Dapat mapangalagaan mo ang iyong mga customer sa pagbibigay ng magandang promos at nakakaakit na mga information tungkol sa iyong negosyo. Kailangang maipakilala, masubukan ang produkto at mapaulit silang bumili.

Ilan lamang ito sa posibleng naging dahilan pero mas mainam na ma-analyze ang iyong naging business para samas mabusising kadahilanan. Para sa mga ilan pang katanungan, maaari ninyo akong i-konsulta, i-email ninyo ako sa [email protected].

Maging gabay natin sa pagnenegosyo ang 4 Ps ngMarketing, ito ay ang Product, Place, Price at Promo-tion. Sa ganitong paraan madali mong magagawa ang iyong business plan at malaman kung feasible ang business mo at maiaahon mo ang iyong online business. Ang online business ay para ring normal na pisikal ng business kaya lang sa internet nagaganap ang bentahan, pagtingin at pagpili ng customers, pagbabayad at ilang pagseserbisyo kaya mainam na aralin ang paggamit ng computer at internet. Ang initial na communication sacustomers, pagfollow-up at pag-close ng benta ay sa internet kaya dapat epektibo ang iyong online presence.

Comments are closed.