ILANG PINOY LUMIKAS SA HAWAII DAHIL SA BANTA NG HURRICANE LANE

HURRICANE LANE

USA – ILANG Filipino ang hindi na nagdalawang isip at lumikas na upang hindi na maapektuhan ng hurricane Lane bago tumama ang kalamidad.

Sinabi ng isang Marlyn Ofiaza Nerona na taga-La Union,  noong Huwebes pa lang nang mag-evacuate ang mga naninirahan sa coastal areas ng Maui at Hilo na sentro umano ng sama ng panahon.

Nagkaroon din aniya ng panic buying dahil sa dagsa ng mamimili, kasabay ng maagang pagsasara ng mga supermarket.

Ilang pasok na rin sa paaralan, opisina, at biyahe sa mga paliparan ang kinansela.

Maging mga serbisyo sa funeral centers ay pansamantala raw munang sinara.

Bagaman hindi pa malakas ang hangin na nararanasan ng mga taga-Honolulu, nananatili pa ring handa ang mga residente at nakaantabay sa paggalaw ng bagyo.   Pilipino Mirror Reportorial Team

Comments are closed.