ILANG TARLAC OFFICIALS NA SANGKOT SA POGO IIMBESTIGAHAN

KASALUKUYANG nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa umano’y pagkakadawit ng ilang opisyal ng Tarlac sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Base sa ipinalabas na kautusan mula kay Interior Sec. Benjamin Abalos Jr., bumuo ito ng isang task force para pangunahan ang imbestigasyon sa gawain ng ilang lokal na opisyal na hindi na pinangalanan pa.

Ayon sa kalihim, bubusisiin ang anumang posibleng administrative misconduct o kapabayaan ng mga local official sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng Local Government Code at kaugnay pang batas na may kinalaman sa illegal POGO operations.

Binubuo ang nasabing task force ng 6 na abogado at isang engineer na papangunahan ni Atty. Benjamin Zabala Jr., division chief ng Internal Audit Service ng DILG.
EVELYN GARCIA