WALA pa ring dungis ang kampanya ng Jumbo Plastic-Basilan matapos ang dominanteng 94-70 panalo laban sa Pagadian Huwebes ng gabi, habang umatras na ang Iligan sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Nagsalansan si Michael Mabulac ng 15 puntos at 11 rebounds para pangunahan ang Peace Riders sa ika-apat na sunod na panalo at samahan ang nangungunang Clarin (5-0) bilang tanging koponan na wala pang talo sa nine-team double-round elimination ng kauna-unahang pro-fessional basketball league sa South.
Naisara ng Basilan ang halftime sa dominanteng 54-37 iskor bago nahila sa 29 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng third period para sa 74-45.
Nag-ambag si Jonathan Uyloan ng 16 puntos at tumipa sina Jay Collado at Michael Juico ng tig -10 puntos.
Nanguna si Christian Manalo sa Pagadian (4-3) na may 16 puntos, 5 rebounds, at 3 steals, habang tumipa si Rich Guinitaran ng 13 puntos.
Nauna rito, pinutol ng Kapatagan ang five-game skid nang gapiin ang ALZA Alayon, 89-80.
Samantala, ipinahayag ng league officials na nagdesisyon ang pamunuan ng Iligan Archangels na umalis sa liga bunsod ng hindi maabatang gusot sa loob ng koponan.
“Team Iligan already backed out from the Mindanao Leg. There was an internal problem and they decided to pull out,” pahayag ni VisMin Cup head of basketball operations Cheltio Caro sa ginanap na pagpupulong via Zoom.
Tangan ng Archangels, pagmamay-ari ni Mayor Celso Regencia at pinangangasiwaan ni coach Dane Lariosa, ang sadsad na 0-5 karta. EDWIN ROLLON
423151 163959How could be the new year going? I hope to read far more fascinating posts like last year 272793
583483 663317This internet page is often a walk-through its the internet you wanted about this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll absolutely discover it. 965267