ILLEGAL POGO WORKERS SA PASIG WINARNINGAN

Vico Sotto

BINALAAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) operators sa kaniyang nasasakupan.

Ayon sa alkalde, kung nais nilang magpatuloy ang kanilang negosyo ay dapat sumunod ang mga ito sa batas.

Kasunod ito nang pagkakabulgar ng anomalya sa Bureau of Customs na Pastillas Schemes na nagresulta sa pagkasibak ng ilang opisyal ng ahensiya.

Umapila si Sotto sa Bureau of Immigration na ipaalam sa kanila kung ano ang maitutulong nang lokal na pamahalaan ng Pasig para mahuli at maipatapon pabalik ng kanilang bansa ang mga ilegal na manggagawa at negos­yante.

Magugunitang na­bulgar ang anomalya sa BI sa isinagawang pagdinig ng senado sa isyu ng POGO. ELMA MORALES

Comments are closed.