ILLEGAL RECRUITERS PANAGUTIN–DUTERTE

Pangulong Rodrigo Duterte-4

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyaking mapananagot ang mga illegal recruiter na pa­tuloy na nambibiktima ng mga kababayang Filipino na nais makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa kanyang talum­pati sa ginanap na National Awarding Ceremony of the 2018 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malakanyang ibinahagi ni Pangulong Duterte ang nangyari nang humingi ng kanyang tulong ang tatlong ina sa nawawala nilang mga anak na pawang mga overseas Filipino worker  (OFW) sa Middle East noong alkalde pa siya  ng Davao City.

Inatasan ng Pangulong Duterte si Social Welfare Secretary Rolando Bautista na bumalangkas ng mga kaukulang hakbang laban sa mga illegal recruiters na patuloy na nagsasamantala sa  OFWs.

“I am sending him (Bautista) a message now that you have to do more. Since you are a military man, then I hope you can come up with a structure – a bigger one to go after this recruitment. And so goes for the Department of Labor and everybody,” wika ng Pangulo.

“My orders are really to get them. You should know where to fish for them. And return them to the water because they are fish,” giit pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang illegal recruitment ay isang non-bailable na kaso.

Labis aniya siyang nalulungkot dahil sa pagnanais ng maraming Filipino na makapagtrabaho sa ibang bansa kahit alam nilang marami silang kakaharaping hamon at problema sa kanilang pangingibang-bansa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.