SINUYOD ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Roxas Blvd service road sa Baclaran at Pasay para alisin ang illegal vendors at illegal terminal sa lugar.
Higit sampung jeepney driver na biyaheng Dasmariñas, Cavite ang inisyuhan ng ticket ng MMDA na illegal na nakaparada sa service road ng Roxas Blvd.
Pinangunahan ni MMDA special operations group strike Force Gabriel Go ang operasyon kung saan tinanggal ang mga sagabal sa kalsada.
Kinumpiska rin ng MMDA ang mga gamit ng mga vendor tulad ng mga upuan at payong pero hindi naman kinumpiska ang kanilang mga paninda.
Samantala, mula rito sa Baclaran tumulak ang grupo sa Buendia, Zobel sa Makati bago naman nila isagawa ang operasyon sa lungsod ng Maynila.
CRISPIN RIZAL