ILLICIT CIGARETTES NA MAY P8-B TAX LIABILITY NAKUMPISKA

NAKAKUMPISKA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng illicit cigarettes at unregistered machines sa magkakasabay na pagsalakay sa apat na manufacturers sa Clark, Pampanga.

Sa isang statement, sinabi ng bureau na ang total tax liability ay tinatayang nasa PHP8.06 billion, kung kaya ang operasyon noong nakaraang Set. 12 ay naging pinakamalaking pagsalakay laban sa illicit cigarettes magmula nang manungkulan si Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Ayon sa BIR, ang mga manufacturer ng illicit cigarettes ay kasalukuyan ngayong iniimbestigahan dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code.

“This PHP8 billion raid in Clark, Pampanga shows that the BIR targets even large-scale manufacturers of illicit cigarettes, not just small-scale dealers or smugglers,” sabi ni Lumagui.

“The BIR supports the call of President Bongbong Marcos to eradicate illicit tobacco trade. The BIR will do its share to protect the livelihood of legitimate tobacco farmers,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang Setyembre ay nagsagawa ang BIR ng night raids sa Caloocan at Quezon City, at natuklasan ang illicit cigarettes na may PHP838 million na tax liabilities.

Sinalakay rin ng BIR ang Philippine Vape Festival 2024 noong Agosto kung saan libo-libong vape products ang nakumpiska. ULAT MULA SA PNA