ILOG UMAPAW, 8 TULAY ‘DI MADAANAN

ilog

ISABELA – SANHI ng tuloy- tuloy na pag-ulan mula pa noong Pasko hanggang sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay hindi pa madaanan ng mga sasakyan ang walong tulay sa Isabela na pawang mga overflow bridges dahil sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog bunsod ng pag-ulan.

Sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), natukoy na nanatiling hindi madaanan dahil sa mataas na water level ng Cagayan River ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City; ang Cansan bridge, na nag-uugnay sa mga bayan ng Sto. Tomas, Sta. Maria, Isa­bela; Gucab at Annafunan overflow bridges sa bayan ng Echague; Pigalo overflow bridge sa bayan ng Angadanan; at ang tulay sa Cabisera 8 sa Lungsod ng Ilagan.

Samantala na nanatili paring hindi madaanan ang Turod Banquero overflow bridge sa bayan ng Reina Mersedez, at ang tulay ng Barangay Baculod, Ilagan City, Isabela.

Sa kasalukuyan ay nadadaanan pa naman ang overflow bridge sa Masaya Sur, San Agustin, Isabela at Cabisera 5-19 sa Iligan.

Pinag-iingat ng PDRRMO ang mga nakatira malapit sa mga sapa at ilog, at pinayuhan na maging alerto at lumikas sa ligtas na lugar kapag patuloy ang pagtaas ng water level ng mga ito bunsod ng mga pag-ulan.                            IRENE GONZALES

Comments are closed.