ILOILO POLL DOCS INSIDE PICNIC BOXES

PET insider: Walang duda na

kinalikot ang resulta ng botohan

JARO, Iloilo – ANO’NG nangyari? Tanong ng mga tauhan ng Presidential Electoral Tribunal nang makita ang plastic boxes na gamit pampiknik pero pinagsidlan ng mga balota at election documents para umano matiyak ang integridad ng 2016 national at local elections.

Hindi makapaniwala sa kondisyon ng mga ‘ballot container’ na nakuha sa lalawigang ito, sinabi ng isang PET insider na  walang dudang kinalikot ang election documents na nasa loob ng pinaniniwalaang safety box ng Commission on Elections (Comelec).

Tumangging ipabanggit ang pangalan, ikinadismaya ng  PET insider ang desisyon ng mga poll official na gamitin bilang official ballot boxes ang mga tila disposable plastic containers na karaniwang ginagamit sa family outing o picnic.

“By the looks of these improvised ballot boxes, any ordinary eyes would certainly cast suspicions that there could have been attempts to tamper with the ballots and voters’ books after the 2016 poll exercise, and the people behind it have done the tampering with impunity,” pagbibigay-diin ng PET insider.

Aniya, “It’s but easy to conclude that poll fraud for the vice presidential race in this province could have been worse than in the home province of Leni Robredo because poll officials in Camarines Sur, at the very least, don’t have the temerity to use plastic picnic boxes to secure and preserve the election documents.”

Habang ikinakarga ang mga improvised ballot box sa container vans sa bayang ito kamaka­lawa, maraming napuna ang PET insider at mga kinatawan kapwa mula sa kampo nina Robredo at dating  Sen. Ferdinand Marcos, Jr. tulad ng mga basang ballot boxes, boxes na may broken seals, plastic boxes na binalutan lamang ng packing tapes, boxes na sira ang top cover, ilang metal boxes na walang padlocks at iba pang kahinaan ng ballot containers.

May kabuuang 2,264 ballot boxes ang nakuha ng PET officials mula sa clustered precincts sa lalawigan ng Iloilo para sa isinasagawang PET vice presidential recount na ikinarga sa 16 container vans at ibiniyahe via sea ng apat na cargo ships na umalis sa bayang ito ka­makalawa patungong port of Manila.

Magugunita na sa revisions ng mga boto mula sa Camarines Sur ay natuklasan ng PET revisors ang iba’t ibang election fraud at ballot tampering tulad ng mga basang balota, ballot bo­xes na may damo sa loob, mga balota na nababad sa gas, over votes at under votes na pinakinabangan ni Robredo, kabilang ang stray votes na nadagdag sa kanyang  vote tally.

Comments are closed.