IMBAK NA BIGAS DUMAMI

BIGAS-CALAMITY

PINALAKI ng mas maraming imbak na bigas ng National Food Authority (NFA) ang total staple inventory ng bansa sa 2.629 million metric tons, mas mataas ng 20.5 percent sa 2.182.67 MMT sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa kanilang monthly rice and corn inventory report, sinabi ng PSA na ang latest nationwide staple stockpile ay mas mataas ng 18.4 percent sa 2.221 MMT na naitala noong Marso 1.

Sa reference period, sinabi ng PSA na ang rice inventory sa NFA warehouses ay lumobo ng 4,609.3 percent sa 576,190 MT mula sa 21,920 MT lamang noong nakaraang taon.

Pinalalakas ng NFA ang stockpile nito magmula pa noong huling bahagi ng nakaraang taon makaraang tumaas ang buying price nito sa kabuuang P20.70 per kilogram, upang maging kumpetitibo laban sa mga pribadong negosyante.

Magugunitang mabilis na nauubos ang rice buffer stock ng NFA noong Abril ng nakaraang taon dahil hindi nakabili ang grains agency ng palay mula sa mga magsasaka dahil sa uncompetitive buying price.

Gayundin ay hindi pinayagan ang NFA na mag-import ng bigas sa paniniwala ng mga economic manager na sapat ang nation-wide supply upang matugunan ang local demand.

“Of this month’s total rice stock inventory, around 44.8 percent were in the households, 33.3 percent were in commercial ware-houses, and 21.9 percent in NFA depositories,” wika ng PSA sa report nito na nalathala kamakailan.

Ang bigas na nakaimbak sa mga kabahayan ay umabot sa 1.177 MMT, habang ang mga nasa commercial warehouses ay puma-lo sa 875,240 MT.

“Relative to previous year’s inventory level, households stocks displayed a decrease of 14.4 percent,” ayon sa PSA.

Ang stocks sa commercial houses ay tumaas naman ng 10.2 percent year-on-year.

“With reference to the previous month, the existing stocks in all sectors were higher than the last month’s level. Stocks in the households, commercial warehouses and NFA depositories showed in-crements of 13.9 percent, 25.8 percent and 17.1 percent, respecticely,” dagdag ng PSA.