BUMABA ang rice inventory ng bansa sa pagsisimula ng Agosto sa 10-month low 1.52 million metric tons (MMT), ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa monthly inventory report nito, sinabi ng PSA na ang total rice stockpile ng bansa hanggang noong Agosto 1 ay bumaba ng 25.01 percent mula sa 2.028 MMT noong nakaraang taon.
Ito ang pinakamababang rice inventory na naitala ng bansa magmula noong Setyembre 2017 kung saan ang total stockpile ay nasa 1.422 MMT.
“[The current inventory] was 23.61 percent lower than last month’s inventory level of 1.99 [million] metric tons,” nakasaad pa sa report ng PSA.
Nasa kalahati ng total rice inventory sa reference period o 49.08 percent ang nasa mga kabahayan, habang 44.27 percent ang nasa commercial warehouses.
Ang buffer stock ng National Food Authority (NFA) ay bumubuo lamang sa 6.65 percent ng total inventory ng bansa.
Ang rice stocks sa mga kabahayan ay umabot sa 746,380 MT, habang ang imbentaryo sa commercial warehouses at NFA depositories ay nasa 673,230 MT at 101,150 MT, ayon sa pagkakasunod.
“Relative to the previous year’s rice stocks inventory, a drop of 0.26 percnet, 42.51 percent and d6.94 percent were observed in the households, commercial warehouses and NFA depositories respectively,” sabi ng PSA.
“Rice stocks inventory level in both households and commercial warehouses declined by 24.79 percent and 28.77 percent, respectively in comparison to their previous month’s levels,” dagdag pa ng PSA.
Nakasaad sa report ng PSA na ang rice stockpile ng NFA ay halos dumoble mula sa imbentaryo nito noong Hulyo 1 na 53,300 MT dahil sa importation.
Samantala, tumaas naman ang total corn inventory ng bansa hanggang noong Agosto 1 ng 75.45 percent sa 1.221 MMT, mula sa 696,460 MT na naitala noong nakaraang taon.
“Also, corn stocks inventory for the period was almost thrice the level in the previous month,” dagdag nito.
Ang corn inventory ng bansa noong Hulyo 1 ay nasa 480,860 MT. JASPER ARCALAS
Comments are closed.