(Imbes na sa Resto/Hotel nagtatrabaho) HRM GRAD PINILING MAGING PHARMACY ASSISTANT

ISANG frontliner na nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM), pagiging isang pharmacy assistant ang naging hanapbuhay.

Ito si Malyn Regusame, 34-anyos, dalaga pa at tubong Bicol na nagpunta sa Bataan upang magtrabaho at mag-aral.

Kuwento ni Malyn, dahil sa kakapusan ng pananalapi ay ayaw na siyang pag-aralin kaya naglakas-loob siyang  sumama sa isang kapitbahay para makipagsapalaran sa Bataan.

Nag-working student si Malyn kaya may edad na rin siya nang makapagtapos dahil napakahirap pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

Determinasyon at pagsusumikap upang maabot ang kanyang pa­ngarap kung kaya’t tiniiis niya ang lahat ng pagsubok at hamon ng buhay.

Pagbabahagi ni Malyn, sa isang kilalang drugstore siya  nagtatrabaho ngayon bilang isang pharmacy assistant at aminadong hindi madali ang kanyang trabaho dahil sa ibat-ibang uri o klase ng gamot na kanyang ibi­nebenta.

Bukod pa kailangan ay kabisado rin ang gamit o para saan ang gamot binibili ng kostumer ay may mga gamot na dapat ay may reseta.

Ayon kay Malyn,       ilang kostumer na matigas ang ulo ar pipilitin na bilhin ang isang gamot na kinakailangan ng reseta ngunit naninidigan siyang hindi pagbilhan ang mga ito kakilala o regular ng bumibili sa kanila.

Katwiran ni Malyn, anuman ang mangyari sa iinom ng gamot ay maari siyang managot at ang kanyang kumpanya kung walang reseta mula sa doktor.

Masaya naman si Malyn sa kanyang trabaho dahil mayroon silang mga benepisyo na katulad ng Philhealth, SSS, at HMO o card na maaaring magamit kung sila ay may sakit.

Bagaman kulang, masaya rin naman si Malyn na binigyan sila ng kanilang kompanya ng gravi­ty pay noong kasagsagan ng pandemya.

Kahit HRM ang tinapos ni Malyn, naging madali ang  pagpasok niya sa drugstore dahil sa seminar at training na alok ng kanilang kompanya.

At laking pasalamat niya sa Panginoon dahil simula ng tumama ang COVID-19 sa bansa at hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito tinamaan ng sakit sa kabila ng tuluy-tuloy na trabaho bilang frontliner na rin.

Mahigpit din kasi ang ipinatutupad na safety protocols at measure sa drugstore hindi lamang para sa proteksiyon nilang mga empleyado kundi maging sa proteksyon na rin ng mga kostumer.

Sa ngayon, ang ta­nging sinusuportahan na lamang ni Malyn ay ang kanyang mga magulang mula sa kanyang maliit na kita.

Ngunit, hindi naman nawawala ng pag-asa si Malyn na isang araw ay magkakaroon din siya ng sariling pamilya. CRIPIN RIZAL