IMBESTIGASYON SA MALAWAKANG PAGBABAHA KASADO NA

Mark Enverga

HANDA na ang Mababang Kapulungan Kongreso sa gagawin nitong ‘inquiry in aid of legislation’ kaugnay sa naranasang malawakang pagbabaha partikular sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan gayundin sa bahagi ng Rodriguez, Rizal at Marikina City matapos ang pananalanta ng bagyong Ulysses.

Sa pagbabalik ng lingguhang Ugnayan sa Batasan Forum kahapon, nabatid na ang House Committee on Agriculture and Food, na pinamumunuan ni Quezon province 1st Dist. Rep. Mark Enverga ang siyang naitalagang magsagawa ng nasabing pagsisiyasat.

“We are thankful to Speaker Lord Allan Velasco for his swift action on this matter. Wala namang  walang particular guidelines ang ating Speaker. Ang naging problema natin,issues na from the local perspective and our colleagues in Congress from Cagayan and Isabela na wala raw advisories na ibinigay sa kanila (sa pagpapakawala ng tubig sa Magat dam. Sinagot naman ito ng National Irrigiation Administration, they are firm in their statement that they gave enough warning to LGUs. We want to get the fact straight, no instructions, we will conduct a clear, concise and factual briefing and hearing on this matter just to get the bottom of this. To see who is responsible, if there’s any negligence we will find out,” pahayag ni Enverga.

Ayon sa House panel chairman, nais sana nilang agad na itakda sa darating na araw ng Biyernes ang pagsisimula ng kanilang Congressional probe subalit dahil sa ilang bagay ay gagawin na lamang ito sa susunod na linggo, araw ng Martes.

Magugunita na noong Lunes, pinangunahan nina Speaker Velasco,  Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang paghahain ng House Resolution No. 1348, na nag-aatas sa pagsasagawa ng naturang House inquiry.

Kaugnay nito ay dumarami ang mga senador na nanawagan na imbestigahan ang malawakang pagbaha.

Sa Senate Rosolution no. 570 na inihain ni Senadong Ramon “Bong” Revilla Jr., hiniling nito na imbestigahan ng kaukulang komite sa Senado ang pagbaha sa Ilocos Region, Cayagan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MImaropa, Bicol Region , Metro Manila at Cordillera Administrative Region na naging dahilan para mawalan ng tirahan ang may 1.7 indibidwal o 428,000  pamilya mula sa nasabing mga lugar.

Nanawagan din sina opposition Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na imbestigahan ang malawakang pagbaha dulot ng magkakasunod na bagyong dumating sa bansa kung saan ang pinakahuli ay ang super typhoon Rolly at bagyong Ulysses.

Tanong pa ni Pangilinan, naiwasan kaya ang ang pagkamatay ng 24 katao sa Cagayan Valley kung nakontrol nang maayos ang pagbukas ng flood gates ng Magat Dam at kung nabigyan ng sapat na babala ang mga residente roon na tatamaan ng mga pagbaha.

Ayon pa sa senador na dati rin chairperson ng National Irrigation Administration, na mayroong protocols sa paglalabas ng tubig sa dam at dapat din may koordinasyon sa Pagasa at inaanunsiyo sa pamamagitan ng text messages,radio , local tv channels at iba pa.

Naghain naman ng Senate Rosolution no. 571 si Hontiveros para imbestigahan ang umanoy man-made  na dahilan ng malawakang pagbaha.

Nakasaad sa resolusyon na ang natural calamities ay hindi na hawak ng tao at unpredictable subalit dapat masagot agad ang tanong kung ang malawakang pagbaha ay dulot ng logging, land grabbing sa Marikina Watershed at sa kabundukan ng Seirra Madre para matugunan na ito at hindi na maulit pa. ROMMER BUTUYAN, LIZA SORIANO

Comments are closed.