PASAY CITY – NAIS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na maliwanagan ang sanhi ng pagkamatay ng 26-anyos na domestic helper at bigyan na rin ng hustisya ang sinapit nito.
Kaya naman kanyang pinatawag ang Kuwaiti ambassador sa Filipinas kasunod na rin nang napaulat na pagpatay ng employer sa biktima.
Una nang humihingi ng tulong kay President Rodrigo Duterte ang tiyahin ng biktima na si Jeanelyn Villavende, 26, residente ng Brgy. Tinago, Norala, South Cotabato.
Ayon sa tiyahin ng biktima, gusto nilang malaman ang dahilan ng kamatayan ng kanyang pamangkin at gustong maiuwi ang bangkay ng biktima sa kanilang lalawigan.
Labis na sakit umano ang kanilang nararamdaman.
Inihayag din ni Nelly na gusto lamang ni Jeanelyn na makatulong at makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya dahilan upang lumabas ito ng bansa.
Panganay sa dalawang magkapatid ang biktima at siyang inaasahan ng pamilya na aahon sa kanila sa kahirapan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.