IMBESTIGASYON SA SABIT SA HUMAN TRAFFICKING MAHIGPIT

Commissioner-Jaime-Morente

DADAAN sa butas ng karayom ang isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) laban sa ilang kawani ng Bureau of Immigration (BI) na hinihinalang sangkot sa human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

Sinabi ni Morente na  isasampa niya ang kasong kriminal laban sa mga suspek sa DOJ upang mabigyan ng karampatang parusa ang mga kawani ng BI na nadadawit sa ano­malya.

Inamin nito na nakarating sa kanyang opisina ang naturang isyu kaya sumasailalim sa  impartial investigation  ang mga suspek, habang ongoing ang isinasagawang panga­ngalap ng ebidensiya laban sa mga ito.

Napag-alaman na kasama sa isinasagawang imbestigasyon ng BI ang mga tauhan ng Inter-agency Council Against Trafficking (IACAT) na nakatalaga  sa NAIA  dahil aniya mayroon din pananagutan ang mga ito bilang nasa frontline pagdating sa human traf-ficking sa mga paliparan.

Dagdag pa nito na gagamitin niya ang kanyang kamay na bakal upang maging epektibo ang kanyang kampanya laban sa mga korap na kawani ng BI  at maalis ang mga salot o sumisira sa imahe ng ahensiya.

Wala umanong humpay ang kanilang pakikipaglaban sa human trafficking at pananatilihin niya ang kanilang status mula Tier 2 sa  Tier 1 sa trafficking of persons na nakarating sa US State Department.              F. MORALLOS

Comments are closed.