MARAMI na pala ang nag-offer sa orig na Jukebox Queen na si Imelda Papin na i-revive ang kanyang “Isang Linggong Pag-ibig” pero ni isa, wala siyang napahintulutan.
Nang subukan niya at ni Mon del Rosario na gawan ito ng bagong areglo, isang tao lang ang pumasok sa isip niya na makagagawa na kantahin ito sa paraang makikilala ng millenials– si LA Santos.
Artist si LA ng Star Music. May Papin Entertainment Productions si Imelda. Nang makipag-usap siya kina Jonathan Manalo, Rox Santos at Roxy Liquigan pati na ang butihing ina ni LA na si Mommy Flor at napakinggan na ang ibang tunog at dating ng kanya, nadesisyunan agad na i-record na ito ni LA.
Sa idinaos na paglulunsad nito kamakailan, say ni Imelda, “Natuwa ako kay LA kasi bata pa siya nang marinig niya ang kanta. It stuck in his mind. Nagkasama na kami sa shows at nasasabi niya how he loved singing OPM tunes. Kasama roon ang mga kanta ko. So, kung mayroon nga raw na ire-revive sa mga kanta ko, itong national anthem ko na. He got the beat. Nagustuhan namin talaga kasi he felt the song.”
Si LA naman, tuwang-tuwa. Wala naman daw siyang masasabing naging isang linggong pag-ibig in his young life. Pero excuse the word. Nagbiro ang binata na “mahilig” naman siya. Tawanan ang mga kaharap.
Sa edad niyang disinuwebe, wala pa naman daw itong naipapakilalang babaeng malapit sa puso niya sa kanyang ina.
Agad na maririnig sa sari-saring digital platforms sa musika ang muling pagbuhay ni LA sa nasabing awitin.
The Prince of Music is also preparing his voice sa pagsasama nila ng Jukebox Queen sa 45th Anniversary Concert nito sa Hunyo 2019.
MAX COLLINS MISTULANG INIHANDA SA PANGANGANAK ANG ROLE SA ‘BIHAG’
SA APRIL1, 2019 na matutunghayan sa Afternoon Primetime Series ng GMA7 ang “Bihag” ni direk Neal del Rosario.
Makapigil-hininga ang mga eksenang ibinahagi sa press launch nito kung saan umaatikabong aksyon at drama ang pinagsaluhan nina Max Collins, Mark Herras, Jason Abalos, Neil Ryan Sese, Sophie Albert at ang Kapuso child star na si Raphael Landicho.
Iikot ang istorya sa pagkawala ng anak ng karakter nina Max at Jason dahil sa sinapit ng anak ni Neil. Magtatagpo ang landas nina Max at Mark na magpapaigting pa sa kanya-kanyang sitwasyong bumihag sa mga buhay nila.
Sa kuwentuhan, hindi maipaliwanag ni Max ang kasiyahan niya dahil matapos ang maraming pagsubok at hamon sa kakayahan niya sa pagganap, eto na ang proyektong masasabing talagang kanya.
“Mas mahirap din ang challenge rito kasi in real life, wala pa naman kaming anak at hindi pa kami mga magulang ng hubby kong si Pancho Magno. But as the days went, sa taping, sa simula kasi baby pa talaga ‘yung anak namin ni Jason dito, nararamdaman ko ang pakiramdam ng kung paano pala ang maging ina. Kaya masaya ako kasi, kahit na matagal pa ang plano namin na magkaanak, sa mga eksena that we do here, nagiging nanay na ako talaga. Both of us are really busy with work. At plano pa namin kasi to do more travels. Pero kung darating na ang blessing na baby, we will be very grateful.”
Aabangan naman ang pagiging daring ni Sophie bilang babae sa pagitan nina Jason at Max.
“I am sure, kahit na daring at sexy ang character ko here as Reign, magiging bantayado at kontrolado becaude this is an aftenoon series. Ready naman po ako sa ipapagawa ni Direk Neal sa scenes namin ni Jason. But more than that, gaya ng nakita sa teaser-trailer eh, ‘yung matitinding sampalan na mangyayari sa amin ni Max with onfrontation scenes.”
Maraming aksyon, alright. Drama rin. Love and bed scenes, sige. Sampalang umaatikabo. Ang hugot ng palabas ay kung paanong sa isang iglap ay maglalaho ang lahat.
Ang mga nasimulan. Ang mga tinatamasa. Ang mga pinapangarap.
Love. Bittersweet revenge. How does one get back what is rightfully hers. Or was it in the first place?
May tanikala bang papatirin sa mga bumihag sa bawat hugot nila? Abangan!
Comments are closed.