PINAKIKILOS ni AKO BICOL party-list Rep. Alfredo Garbin ang gobyerno para humanap ng paraan upang makapag-mass produce ng mga personal protective equipment (PPE) na kinakailangan ng mga frontliner, lalo na ang mga medical worker.
Ayon kay Garbin, ang Department of Trade and Industry, Board of Investments at Export Processing Zone Authority ay dapat na makagawa ng paraan para makalikha ng maraming suplay ng PPE.
Sinabi ni Garbin na maaaring kumuha ang Department of Science and Technology (DOST) ng mga lokal na materyales na puwedeng gamitin para sa paggawa ng PPE at maaaring i-mass produce ng mga industrial factory.
Inirekomenda naman ng kongresista ang garments at accessories na nakatengga sa ecozones, export zones, at freeports na gawing face masks, face shields, gloves at body suits.
Sa ganitong paraan, aniya, ay matutugunan agad ang kakulangan ng bansa sa mga PPE.
Tiniyak naman ng mambabatas na mahigpit na ipatutupad ang protocols at safety measures para sa mga worker na gagawa ng PPE. CONDE BATAC
Comments are closed.