MAYNILA – ITINAAS ng Bureau of Immigration (BI) ang heightened alert status sa bansa dahil sa posibleng pagpasok ng mga foreign terrorist kasunod ng naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu.
“I have instructed our Port Operations Division to alert all its personnel and be on the lookout for suspected foreign terrorists who might attempt to enter the country,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.
Aniya, ang lahat ng mga immigration officers na nakatalga sa mga pantalan ay inatasang doblehin ang pagbabantay at pagbusisi sa mga foreign trav-elers at tiyakin na ang kanilang pakay sa pagpasok sa bansa ay legal.
Agad naman aniyang papabalikin sa kanilang bansa ang mga dayuhang hindi makapagpaliwanag kung ano ang kanilang sadya o pakay sa Filipinas.
Nagpalabas si Morente ng pahayag matapos aminin ng Islamic State for Iraq and Syria (ISIS) na sila ang nasa likod ng pagpapasabog noong linggo sa Jolo, Sulu.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, na kasunod ng direktiba ni Morente ay agad nitong inatasan ang lahat ng immi-gration officers na magsagawa ng primary inspection sa mga pasahero sa mga port of entry.
“They were reminded to make sure that only aliens who are properly documented and are legitimate travelers with valid reasons in coming here are admitted,” pahayag ni Medina
Dagdag pa ni Medina sinabihan nito ang mga immigration officers na maging maingat sa pagbusisi sa mga travel documents na ipiniprisinta sa ka-nila dahil posible aniyang gumamit ng pekeng pasaporte at visa ang mga dayuhang terorista.
Ayon kay Madina, bukod sa mga BI officer, inalerto at inatasan na rin ang mga miyembro ng travel control and en-forcement unit (TCEU) at border control and intelligence unit (BCIU) na maging bigilante. PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS