BINAWI na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban sa domestic at wild birds mula Belgium at France.
Magugunitang ipinatupad ang ban upang mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa bansa.
Ipinag-utos ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pag-alis ng import ban sa mga produktong tulad ng poultry meat, day-old chicks, eggs at semen.
Inilabas ni Tiu Laurel ang kautusan noong Abril 11 matapos makatanggap ang DA ng mga ulat na walang karagdagang bird flu outbreak sa Belgium magmula noong Pebrero 21 at sa France buhat noong Pebrero 24.
Ang infections ng highly pathogenic avian influenza H5N1 strain ay iniulat sa Belgium at France, na magkasalo ang border, noong nakaraang taon.
Epektibo ang pag-alis ng import ban noong Abril 11 makaraang lagdaan ang memorandum orders.