IMPORT BAN SA PH CHICKEN INALIS NA NG SOUTH KOREA

poultry

INALIS na ng South Korea ang suspensiyon sa pagpasok ng poultry at pet birds mula sa Pilipinas, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Attache in Korea Maria Alilia Maghirang na ang suspensiyon ay inalis ng Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs (MAFRA) epektibo Agosto 6, 2021.

“We are pleased to inform the good Secretary that the Philippines can already export live birds (other than poultry) to South Korea,” wika ni Maghirang sa isang liham kay Agriculture Secretary William Dar na ipinadaan kay Undersecretary Fermin Adriano.

“Post expects Philippine chicken meat export may commence upon approval of the poultry establishments,” dagdag pa ni Maghirang.

Nakipag-ugnayan na rin ang Philippine Agriculture Office sa Seoul sa Bureau of Animal Industry (BAI) at sa National Meat Inspection upang tumalima sa mga kahingian ng Animal and Plant Quarantine Agency (APQA).

Magugunitang sinuspinde ng Korea ang pagpasok ng poultry at pet birds mula sa Pilipinas kasunod ng H5 avian influenza (HPAI) outbreak sa bansa.

Noong Enero ay sinabi ng  DA na idineklara nang avian influenza-free ang bansa ng World Organization for Animal Health (OIE) makaraang matapos na ang outbreaks sa Pampanga at Rizal.

161 thoughts on “IMPORT BAN SA PH CHICKEN INALIS NA NG SOUTH KOREA”

  1. 875327 259307We offer the best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to swiftly assess your dilemma and discover the top solution. 201603

  2. 166540 986842I dont think Ive read anything like this before. So good to locate somebody with some original thoughts on this subject. thank for starting this up. This web site is something that is needed on the web, someone with a bit originality. Great job for bringing something new to the internet! 83225

Comments are closed.