IMPORT NG NLEX LALARO NA

on the spot- pilipino mirror

NAGLARO ng All-Filipino ang NLEX Road Warriors laban sa GlobalPort Batang Pier. Tinalo ng mga player ni coach Pido Jarencio ang NLEX, 93-79. Hindi nakapaglaro si Tony Mit­chell dahil hindi umano umabot ang papeles nito sa tanggapan ng GAB at kulang pa ang documents. Sa next game ay nakahanda na ang import na matulungan ang kampo ng Road Warriors para bumawi.  Pinalitan ni Mitchell si Curtis Washington na hindi pa nakapaglalaro ay pinasibat agad ng management.

oOo

Nakakadalawang panalo na ang Blackwater Elite ni coach Aris Dimaunahan. Mga de kalibreng coach ang mga tinalo nito ang una ay si Norman Black ng Meralco Bolts, at noong Friday ay si coach Tim Cone ng Barangay Ginebra. Kap­wa grandslam champion ang mga ito. Si Dimaunahan ay dating player ni coach Cone sa Bmeg na ngayon ay mas kilala bilang Magnolia Hotshots. Isang practice player lamang noon si Aris. Dahil may pangarap na maging coach, lahat pala ng natutunan niya sa mga diskarte ni coach Tim ay pawang sinusulat niya sa kanyang notebook. Ngayong head coach na siya ng Elite ay naisasagawa na ni Coach Aris ang diskarte at mga natutunan kay coach Tim.

Malaking bagay rin na ang mga player niya  ay maganda ang nilalaro, tulad nina Ray Parks, Mac Belo, import Alex Stephenson. Sabi mga ni Di-maunahan, ang panalo nila ay credit lahat sa kanyang mga manlalaro.

oOo

Nagdiwang ng  ka­arawan ang anak ni Terrence Romeo na si Terrence Romeo, Jr. Isang taong gulang na ito. Very excited ang player sa birthday ng kanyang anak. Ito ang dahilan kung bakit very inspired maglaro  si Romeo. Dagdag kasiglahan sa paglalaro niya ay ang pagiging champion ng SMB. First time ni Terrence na mag-champion ang team. Anyway, happy birthday, Terrence Romeo Jr.

oOo

Break na naman ang courtside reporter at ang kanyang basketball player na BF. Ilang buwan naman kaya magtatagal ang hiwalayan blues ng dalawa? Pero tsika namin ay mukhang ayaw na ni courtside reporter na makipagbalikan sa basketbolista dahil sa paulit-ulit na ginagawa ng kanyang BF na pambababae. Narinig ko na dati ‘yan kay girl na ‘di na siya makikipagbalikan kasi masyado na siyang nasasaktan. Let’s wait and see kung hindi na magkakabalikan ang player at courtside reporter.

Comments are closed.