IMPORTED RICE MAS MABENTA SA LOCAL RICE

Imported rice

SA kabila ng panawagan na tangkilikin ang produkto ng mga local producing rice sa North Cotabato, mas mabenta pa rin ngayon ang imported rice sa ilang retailers sa nasabing lalawigan.

Ito ang pahayag ni Grains Retailer Confederation  (GRECON) President Carmelito Bacus sa isinagawang question hour ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan noong Huwebes ng umaga.

Aniya, kahit mas mataas ang presyo ng imported rice sa lalawigan kumpara sa local rice ay pinipili pa rin ito ng mga consumer dahil na rin sa magandang kalidad ng bigas.

Nagpahayag na rin ng pagkalugi ang rice retailers simula nang ipinatupad ang community quarantine at pagbabawal na makapasok ang mga sasakyan sa  Mega Market dahil sa pagpapatupad ng minimum health protocols.

Samantala, tinututukan na rin ng Department of Agriculture (DA) 12 kung papaano matulungan ang mga magsasaka ng palay at mais dulot na rin ng mababang halaga ng produkto.

Kabilang sa programa ng DA-12 ay pamimigay ng libreng seeds at fertilizers sa magsasaka na apektado ng pandemya sa nabanggit na lalawigan. MHAR BASCO

Comments are closed.