PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang video ng dalawang vloggers na nagmanhandle umano ng endangered at threatened wildlife species na Philippine Tarsiers na endemic sa Pilipinas para sa kanilang content.
Nakita sa clips ng video ng vlogger na kilala sa pangalang “Farm Boy” na si Ryan Parreño na hinahawakan at nilalaro nila ng kanyang kasama ang tarsier na kinuha nila sa isang puno.Nagdulot ang naturang video ng samut- saring negatibong reaksyon mula sa mga netizens. “Smile, baby, smile,” ang sabi sa naturang video habang hawak ni Parreno ang tarsier.
Sa naturang viral video na deleted video na sa social media ngayong Miyerkoles ipinakita nito na pinulot nito ang tarsier at tumatawa habang ang isang indibidwal ay pinagsasabihan ang hayop na ngumiti sa camera.
“A tarsier is not supposed to be touched or disturbed. It is a nocturnal animal and should not be disturbed in their sleep,” ang sabi ng Environmental lawyer Esther Gertrude Biliran.
“The Department has already conducted an investigation into the matter and discovered that the two tarsiers featured in the video were released into he wild by the vlogger.However, the agency is still looking for further actions to be taken on the wildlife incident,” ang patuloy na nakasaad sa naturang DENR statement.
Sinabi naman ng conservation group Philippine Tarsier Foundation na ang mga tarsier ay nocturnal at kadalasan ay nagpapahinga o nautulog sa umaga kaya madali itong nahuli ng mga vlogger. Sa gabi ay mahirap anyang mahuli ito.Subalit dahil mag- ina umano ang Tarsiers kung kaya ito ay agarang nadakip ng mga vloggers.
Nanawagan naman ang naturang grupo na dapat ay mapanagot ang naturang vlogger sa panghaharass sa naturang hayop sa Facebook o social platforms na dapat daw ay hindi pinapayagang mai-post ang mga kahalintulad na content na violation sa community standards na nagpapakita ng pang aabuso sa naturang hayop.
“The internet has been used to trigger all sorts negativity and frenzy for the sake of monetization. Showcasing ‘Animal harassment’ must not get incentivized. and accounts who leverage on it for clout must be taught a lesson,” ang pahayag ng naurang conservation group .
Ang “ Wildlife Resources Conservation and Protection Act” ay nagsasaad ng mga karampatang kaparusahan sa pagmamaltrato at pananakit sa wildlife. Ipinagbabawal din ng batas ang mga aktibidad tulad ng pagsusunog, logging, mining at quarrying sa mga lugar na tulad na deklaradong critical habitats.
Ang Philippine Tarsiers ay kabilang sa listahan ng DENR sa 25 na threatened species o most endangered primates na nanganganib mawalan ng habitat dahil sa banta ng illegal capture at trade. Ayon sa New England Primate Conservancy, ang mga Tarsier ay hindi maaaring mamuhay kung ikukulong dahil sa kanilang specialized diet.
Naidokumento din na ang Tarsiers ay nagkakaroon ng self-injurious behavior kapag ito ay hinuli at ikinulong. MA. LUISA GARCIA