INA FELEO, SA MUSEUM ANG KASAL

NOEL ASINAS BLOG

EXCITED ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ star na si Ina Feleo sa kaniyang  intimate wedding na ginanap sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.Ina Feleo

Napagdesisyunan ni Ina at ng kaniyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti (o James Gerva) na sa naturang museum ikasal dahil malapit lang ito sa Metro Manila at puwede silang magkaroon ng alfresco reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Pagkukuwento ng aktres, “Sa Pinto Museum namin ginawa kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art. Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art.”

“And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? And then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganun,” dagdag pa niya.

Hindi naman masyadong nahirapan si Ina sa pag-aayos ng kanilang wedding dahil tumutulong dito ang kanyang inang si Direk Laurice Guillen.

Samantala, balik-telebisyon na ang Bilangin ang Bituin sa Langit simula ngayong Disyembre 7 sa GMA Afternoon Prime.

GAB YABUT, MAMUMUHUNAN NG SARILING PERA SA RAP SINGLE NIYA

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktor, pangarap din ng bagong Kapuso cutie na si Gab Yabut ang sumulat at mag-produce ng kanyang sariling rap single.

Sa kanyang YouTube channel pa lang kung saan mapapakinggan ang beats na siya mismo ang gumawa, mapapansin na ang kakaibang talento ni Gab sa music.

Kuwento niya sa GMA Artist Center online show na In The Limelight, “Ever since ‘nung grade seven po ako, na-influence ako ng mga classmate ko sa rap. After that, gusto ko na talagang gumawa ng isang rap song. And sa first rap song ko na ipu-publish, gusto ko ako ‘yung gumawa ng beat para may sentimental value siya.”

Kung aktingan naman ang pag-uusapan, gusto ni Gab na gumawa ng isang action project a la “007” at makatrabaho ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Mapapanood ang kabuuan ng In The Limelight episode ni Gab sa GMA Artist Center YouTube channel.

Comments are closed.