ITATAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Ina ng Isport’ awardee Norma Alamara sa webisode ng ‘Rise Up Shape Up’ nito ngayong Sabado, Enero 29.
Ang ‘Ina ng Isports’ award ay iginagawad sa isang ina na ipinagmamalaki ang kanyang sarili sa pagkakaroon ng pinakamaraming anak sa national pool na ang collective performance ay nangibabaw sa accumulated medals sa national at international competitions.
Si Alamara ay isang single mother mula sa Davao City na may limang anak na athletic champions. Ang mga ito — Ali, Frazier, Dexter, Mummar, at Norton — ay nagpamalas ng sports excellence at naging bahagi ng national swimming at water polo teams na sumabak sa Southeast Asian Games mula 2002 hanggang 2017.
Binigyang-diin ni PSC Women in Sports Commissioner Celia H. Kiram na ang presensiya ng inspiring women sa grassroots sports ay nakatutulong sa gawain ng PSC sa local communities sa paglinang ng sports excellence at pagprodyus ng top-performing national athletes.
Ang GINTONG GAWAD ay isang national awards platform upang ipagdiwang at bigyang pugay ang to “ground-breaking, inspiring, notable, timeless, outstanding contributions” sa pagsusulong at pagpapaunlad ng women and sports sa grassroots level.
Bukod sa ‘Ina ng Isport’, ang Gintong Gawad ay nagkakaloob din ng awards para sa Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atletang may Kapansanan, Modelo ng Kabataan; Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isports sa Komunidad; Produktong Pang-Isport na Natatangi at Makabago; at Proyektong Isport Pang-Kababaihan. CLYDE MARIANO