INA NI SARAH MAY RASON KUNG BAKIT SUMUGOD SA ‘DI INASAHANG KASAL NG ANAK

Sarah and Matteo

OBVIOUS na ma­rami sa mga taga-industriya ang  masaya sa balitang ikinasal na sireflection Sarah Geronimo sa fiance niya na si Matteo Guidicelli via civil wedding last Thursday. Habang lumabas na kontrabida naman ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Huwag naman sanang ganoon. Ina pa rin si Mommy Divine. She has her own reasons kung ano ang ginawa niya upon learning na nagpakasal si Sarah kay Matteo. Naniniwala kami na walang ina ang nag-isip ng masama at ‘di ikabubuti ng kanyang anak gaya ni Mommy Divine.

Kahit kami rin naman ‘yan at bigla na lang namin nalaman na mag-aasawa na ang aming anak, aba siyempre, kakaripas agad kami ng takbo at aalamin ang pangyayari. Hindi para maging kontrabida sa kasal. Kundi, kahit alamin lang kung totoo ba ‘yun o hindi. Siyempre, gusto rin namin na malaman, kahit ‘di pa kami ang unang nakaalam.

Pasalamat pa nga dapat si  Matteo kay Mommy Divine dahil napalaki niya ng maayos at mabuti si Sarah G.

JUDY ANN SANTOS NANAWAGAN NA HUWAG SUMAWSAW SA AWAY NINA SHARON AT KC

NAG-REAK si Judy Ann Santos sa isyu sa pagitan ni Megastar Sharon Cuneta at ng panganay na anak nito na si KC Concepcion. Hindi lingid sa publiko na isa siya sa pinakamalalapit na artista kay Mega at may ibang friendship din siya with KC.

Hindi pa raw sila nagkikita ng kanyang Ate Sharon. Pinahahalagahan daw kasi niya ang privacy ni Mega.

“Pero, para sa akin, huwag tayong sumawsaw. Huwag na tayong dumagdag. Problema ito ng mag-ina. At uh, kung anuman ang opinyon ng mga tao sa labas, makakadagdag lang,” panawagan ni Juday.

Pakiusap pa niya, bigyan daw ng time and space ang mag-ina. At naniniwala siya na maayos din ang mga bagay-bagay kina Mega at KC.

“Uhm, we cannot judge, because wala tayo doon. And even if, wala pa rin tayong karapatang mag-judge kasi, problema nila ‘yang mag-ina ‘yan at uh, hindi tayo kasali. Hindi ito teleserye. Hindi sila te­leserye. Totoong buhay ‘to na pinag-uusapan natin. And though, I understand na  they are public figures, still, they deserve privacy,” diin pa niya.

Ang dasal na lang ni Juday para sa mag-ina ay magkaroon ng kapayapaan sa puso nila.

“Of course, I wish them peace. At the end of the day, it’s the mother’s love and the daughter’s love that will always prevail. They’ll just need some time. Hindi lang talaga natin masasabi kung kailan. So, hayaan na lang muna natin. I’m praying, you know, na maayos.”

Relate much si Juday sa relasyong Mega and KC kasi nga, nagdadalaga na rin ang kanyang panganay na si Yohan. At ilang taon na lang, teenager na rin ang only boy niya na si Lucho at bunso niyang si Luna.

Sa true lang, isa sa mga happy family sa showbiz ang kina Juday at Ryan. Hindi lang happy, pretty and good looking pa ang mga anak nila. Kaya sana nga magparami pa ng lahi sina Juday at Ryan.

“Hindi siya, hindi siya top of mind. Hahaha. Kung mabuntis, mabuntis, you know,” sabi sa amin ni Juday.

Dagdag pa niya, “But, at 41, parang hindi ko na ata kayang magluwal pa ng bagets. But, alam mo, ang blessing ay blessing. Siguro kung mabuntis man, ibig sabihin, kaya ko pa, palawakin ang lahi ng aming anak.”

Pero hindi naman daw sa wala silang plano. Hindi lang nila napag-uusapan ni Ryan ang tungkol sa pagkakaroon ulit ng baby.

“As it is, parang okey naman  kami sa tatlo. And then, what’s happening now, the realities of life, ‘yung magpapa-aral ka. Tapos itong mga nangyaya­ring sakuna. Ang hirap ba­lansehin. Nakakatakot. Lalo na kung may maliit ka.”

Pero inamin naman niya na masarap din naman kapag may baby sa pamilya.