COMPOSTELA VALLEY – PINABULAGTA ang 33-anyos na ina matapos itong ratratin nang hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang anak sa loob mismo ng bahay sa Purok 6, Barangay Poblacion, sa bayan ng Compostela, kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa mukha at dibdib ang biktimang si Armie Angcot Bernardo habang tumakas naman ang gunman sakay ng motorsiklo.
Sa ulat ng Compostela Municipal Police Station, bandang alas-6 ng gabi nang dumating sa labas ng bahay ang gunman at hinahanap ang biktima.
Kaagad na tinawag ng 14-anyos na anak ang kanyang ina kung saan hinarap ang gunman saka nakipagtalo kaugnay sa pinapasukan nitong pabrika.
Gayunman, hindi na umano nakasagot ang biktima sa mga itinatanong ng gunman hanggang sa umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
Hindi naman sinaktan ng gunman ang anak ng biktima bago tuluyang tumakas sakay ng motorsiklo. MHAR BASCO
Comments are closed.